HINDI NA
Masasayang alaala na pilit kong binabalikan
Kahit na alam kong hindi na maibabalik kailanman
Alaalang nilimot ng bagong pagsasamahan
Alaalang napakasakit kung muli pang babalikan
Ilang taon pa lamang ang nakaraan
Ngunit tila milya-milya ng ang ating pagitan
Hindi ko alam kung bakit pagkakaibiga'y biglang naglaho
Dahil ba kayo ngayo'y may bago ng mga katagpo?
Nakakalungkot isipin na nasayang ang tatlong taon
Para bang tayo'y pinaglaruan ng pagkakataon
May bago na kayong nakakasama sa lahat ng pagkakataon
At marahil hindi niyo na ako kailangan pa ngayon
Tunay nga na nagbabago ang lahat sa paglipas ng panahon
Hayaan ko na lang munang lumipas ang pagkakataon
Pagkakataon na muling ibalik ang lahat sa dati
Dati na kahit anong gawin ko ay hindi na mananatili
Naalala niyo pa ba ang dating pinagsamahan?
Ang bawat gala sa kung saan- saan?
Ang bawat halakhak na ating pinagsaluhan?
Ang lungkot ng bawat isa na ating dinadamayan?
Hinihiling ko na sariwa pa ang lahat ng ito sa inyong isipan
Ngunit hindi maalis na may bago na kayong mga kaibigan
Mga kaibigan na lagi niyong sinasamahan sa bawat araw
Mga kaibigang, sa damdamin niyo'y laging pumupukaw
Nakatutuwang pagmasdan ang inyong pagsasamahan
Pagsasamahan na hindi kasing tibay ng ating pinagsamahan
Hindi ko maiwasang sila'y kainggitan
Dahil alam kong dati lang ay ako ang nasa kanilang kalagayan
Mahirap man tanggapin ngunit aking kailangan
Na hindi na tulad ng dating ang ating pinagsamahan
Hindi na tulad ng dati ang ating pagkakaibigan
Hindi na tulad ng dati ang lahat.
Hindi na.
No comments:
Post a Comment