Hindi pa malalim ang gabi pero hindi talaga ako mapakali then I found myself writing this for my friends that were about to leave.
Hi Ekseys!
Iiwan niyo nanaman kami. Pero sa ganitong pagkakataon hindi na muna ako maniniwala sa sinasabi ni Popoy na 'Kaya siguro tayo iniiwan ng mahal natin dahil may bagong darating.' Hindi ako naniniwala dun kasi nag-iisa lang kayo Ekseys. You'll never be replaced in my heart. (Ewww Too cheesy pero promise totoo to'! Hahahahahha! Tapos na April Fools. Lol) Kayo yung section na hinangaan ko magmula Grade 8 ako. Full package na kayo. Matatalino, magagaling, may pagkakaisa, masarap kasama and all. Tandang-tanda ko pa kung paano kami hinamon ni Sir Timbal na kailangan namin kayong mapantayan or atleast mahigitan kaya naman tuwang-tuwa talaga kami nung natalo namin kayo sa Nutri-Jingle nung Math Contest! Hahahahahahha! Don't get me wrong. Hindi namin kayo tiningnan as an enemy but we looked to you as a challenge na kailangan lampasan at mga ate at kuya na iloo-look up namin kasi we know na you are the best! Family. Yun kayo. Yun yung exact word para i-describe kayo. Super duper hinangaan ko kung paano niyo ituring yung isa't-isa. Yung tipong tanggap niyo yung flaws ng isa't-isa. Hindi niyo inisip yung 'competition' sa inyong magkakaklase. Yung pagtutulungan niyo kapag may competition at sa kahit ano pa. Kapag sinabing Ekseys, solido yan. Super dami kong mamimiss sa inyo! Yung kulitan niyo, yung mga amazing videos niyo, kung paano kayo mag-asaran, yung mga rant niyo tungkol sa assignments and projects niyo, yung mga Indak Dancers, yung mga boyscout na hindi nawawala pag may program, yung mga YES-O members and officers na hindi nananawang mag-manage ng collection ng basura, yung mga bibong SSG Officers, yung mga prinsesa ng Ekseys (Sila Villa, Conlu, Arlante, Tamparia,etc.), Yung mga The Stentor babies, yung bonding niyo at yung mismong kayo; lahat kayo... Mamimiss ko.
You don't know guys kung gaano kalaki yung impact niyo sa akin; kung gaano niyo naimpluwensiyahan; kung paano niyo binago yung ilan sa mga perspectives ko. Aalis na kayo sa Mambugan pero hindi niyo alam na madami kayong iniwan na lessons sa akin, and I wanna thank you for that, I'm blessed na naging part kayo ng life ko! Congratulations sa inyo! God bless sa Senior High School Life! <3 Goodbye, Ekseys, until we meet again!
![]() |
| Credits to Darren Orcullo for this picture! |
