Pages

Sunday, October 30, 2016

Random Thought Entry 005


UNOS 

Sa ilalim ng maitim na ulap
Matatagpuan ang isang unos
Unos na nagkukubli sa pagitan ng paano at kailan
Unos na nagkukubli sa pagitan ng paalam at pagbabalik 

Naalala ko pa noong unang beses na titigan mo ako sa mata
Hindi mo nga alintana ang pag-agos ng mga luha
Basta't binigyan mo ako ng ngiting noon ko lamang nakita
Ngiti na hindi ko na ulit pa yatang makikita

Ngunit paano na kung paglaruan tayo ng tadhana at muling pagtagpuin?
Isisigaw pa kaya muli ng puso ko ang pangalan mo?
Maririnig ko pa kaya ang lakas at ritmo ng bawat dagundong nito? 
O maaalala pa kaya ng puso ang dating tibok nito? 

Paano kung sa muli nating pagtatagpo
Ay may sumiklab na unos?
Bumaha ng sakit at lungkot 
At humambalos ang galit at hapdi ng nakaraan

Ngunit kung babalik ka man 
Hindi isang malagim na unos ang nais ko
Ang nais ko ay rebolusyon
Upang hindi na kita pagtuuunan ng atensyon

At nang sa huli ay mapagtanto ko 
Na ang iyong mga titig at bawat mga ngiti
Ay pawang mga natural lamang sa gaya mo 
At hindi simbolismo ng mga salitang ikaw at ako 

Before Finals

Hi! I know, it's been a really long timeeeee since I have posted on this blog. Why do I always have the same intro though?  Anyway, I ju...