Hi! Muli na naman nagtapo ang ating landas! Dalawang buwan din. Dalawang buwan na din pala ang nakakalipas nang tayo'y magkahiwalay. Akala mo siguro ay tuluyan na kitang iiwan no? Nagakakamali ka doon. Hinayaan lang kita. Pinagpahinga kita dahil alam kong nasasaktan ka na. Pero gaya ng sinasabi ng iba, ginagawa ko lang ang lahat ng ito para sa iyo. Alam ko nasasaktan ka nanaman ng dahil sa akin. Tandang-tanda ko pa nga ang mga panahong hindi nakatulog at di ka nakakain ng maayos. Patawarin mo sana ako. Naiipit lang talaga ako sa sitwasiyong iwanan ka at manatili sa iyo. Hindi kita iiwan hangga't kailangan mo ko. Kahit pa nasasaktan ka na, hindi kita iiwan dahil alam kong kailangan mo pa ako ng lubusan. Hayaan mo, darating ang araw na palalayain kita. Palalayain kita kasi alam kong sa mga panahon na iyon ay ayos na; okay ka na.
-POWERCHAIN BRACES
![]() |
| http://www.oralanswers.com/power-chains-why-some-colored-braces-are-connected/ |
Hindi ako makapag update ng blog ng maayos ewan ko ba ayaw gumana ng isip ko! ANG SAKIT NG BRACES KO! ANO BA DOC, BAKIT MO PINOWERCHAIN? HAHAHAHAHAAHAHAH! ANG SAKIT NA! TAMA NA! WOOOOOO! SARAP TUMAMBLING!!!!!!!!!!

No comments:
Post a Comment