Pages

Sunday, August 2, 2015

Tadhana: Ang Paborito kong Musika.

Bahagi na siguro ng aking buhay ang mga paborito kong musika. Tila ba sinasabi nila ang mga bagay na hindi ko kayang bigkasin.Para bang ang bawat musikang aking pinakikinggan ang siyang naglalarawan at nagsisiwalat kung ano ba ang aking nararamdaman at kalagayan. Minsan pa nga, ito yung magsisilbing kaibigan mo sa tuwing nalulungkot ka. Sa totoo lang, sa tuwing nakikinig ako ng musika, pinagagaan nito ang pakiramdam ko. May kakayahan din itong  iparamdam sa iyo ang bawat liriko nito.

Nagbago din ang pagtingin ko sa musika simula nang mapakinggan ko ang kantang "Tadhana" ng Up Dharma Down (UDD). Ito ang isa sa mga pinakapaborito kong musika sa ngayon. Bukod sa magandang ritmo ng kantang ito, gustong - gusto ko kung paano pinagtagpi-tagpi ang bawat liriko nito. Malalim ang bawat salitang binitawan ni Armi Millare na siyang bokalista ng bandang UDD at sumulat ng kantang ito. 

Sa tuwing pakikinggan ko ang kantang ito, may kung anong kakaibang mensahe ito na hindi ko maipaliwanag. Agad kang makabubuo ng maganda at madamdaming larawan sa iyong isipan dahilan na rin upang siguro'y mas lalo ko itong magustuhan. Para sa akin, sinasabi ng kantang ito kung gaano kahiwaga o bakit ba talaga naging mahiwaga ang pag-iibigang pinagtagpo ng tadhana... na para bang may kung anong lakas o puwersa na nag-uudyok sa dalawang tao dulot ng tadhana na hinding-hindi basta mapaghihiwalay ng kung sino man. 

Dahil sa kantang ito, masasabi kong kaya nating takasan ang mundong ating ginagalawan - sa pamamagitan ng musika. 


Mabuhay ka, Ate Armi! 





Up Dharma Down - Tadhana

Sa hindi inaaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong,

Damang dama na ang ugong nito

Di pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding hindi ko ipararanas saýo

Ibinubunyag ka ng iyong matang

Sumisigaw ng pag-sinta




Ba't 'di pa patulan

Ang pagsuyong nagkulang

Tayong umaasang

Hilaga't kanluran

Ikaw ang hantungan

At bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip saýo




Saan nga ba patungo,

Nakayapak at nahihiwagaan

Ang bagyo ng tadhana ay

Dinadala ako sa init ng bisig mo

Ba't di pa sabihin

Ang hindi mo maamin

Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin

'Wag mong ikatakot

Ang bulong ng damdamin mo

Naririto ako't nakikinig saýo

Hooohh... hoooohh...

Hooohh... hoooohh...

Hooohh... hoooohh...




Lalalala...

















Before Finals

Hi! I know, it's been a really long timeeeee since I have posted on this blog. Why do I always have the same intro though?  Anyway, I ju...