PARA KAY E
Nang malaman ko yaong katotohanan
At sayo'y nakipagtitigan,
Batid kong ika'y labis na nasasaktan
Kaibigan, sa ganitong sitwasiyon
Hindi mo kailangan ng salitang mapagpalalo
Kailangan mo ay gamot
Gamot na iikot diyan sa buong sistema mo
At unti-unting aakyat sa utak mo
Nang sa gayo'y maunawaan mo
Na sa labanang ito, sugat lamang ang iyong matatamo
Kaibigan, iyo sanang pakatandaan
Na hindi lahat ng sugatan,
Tama ang pinaglaban
Kaibigan, utang na loob huwag ka ng umasa
Sa napakasinungaling niyang 'Mahal Kita'
Kaibigan, Alam mo naman ang kahihinatnan
Ng bawal na pag-ibig na iyong ipinagpipilitaan
Kaibigan, tama na; itigil mo na.
Oo't hindi madaling kalimutan ang inyong pinagsamahan
Ngunit hindi pa ba sapat na hindi ka niya itinuring na kaibigan?
Kaibigan, nakakatawa ka.
Umaasa ka sa taong tila ba hindi ka man lang kilala.
Kaya kaibigan, ihinto mo na
Hindi ko na kayang makitang nasasaktan ka.
