Nagbago din ang pagtingin ko sa musika simula nang mapakinggan ko ang kantang "Tadhana" ng Up Dharma Down (UDD). Ito ang isa sa mga pinakapaborito kong musika sa ngayon. Bukod sa magandang ritmo ng kantang ito, gustong - gusto ko kung paano pinagtagpi-tagpi ang bawat liriko nito. Malalim ang bawat salitang binitawan ni Armi Millare na siyang bokalista ng bandang UDD at sumulat ng kantang ito.
Sa tuwing pakikinggan ko ang kantang ito, may kung anong kakaibang mensahe ito na hindi ko maipaliwanag. Agad kang makabubuo ng maganda at madamdaming larawan sa iyong isipan dahilan na rin upang siguro'y mas lalo ko itong magustuhan. Para sa akin, sinasabi ng kantang ito kung gaano kahiwaga o bakit ba talaga naging mahiwaga ang pag-iibigang pinagtagpo ng tadhana... na para bang may kung anong lakas o puwersa na nag-uudyok sa dalawang tao dulot ng tadhana na hinding-hindi basta mapaghihiwalay ng kung sino man.
Dahil sa kantang ito, masasabi kong kaya nating takasan ang mundong ating ginagalawan - sa pamamagitan ng musika.
Mabuhay ka, Ate Armi!
Up Dharma Down - Tadhana
Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas saýo
Ibinubunyag ka ng iyong matang
Sumisigaw ng pag-sinta
Ba't 'di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayong umaasang
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip saýo
Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba't di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin
'Wag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig saýo
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Lalalala...
No comments:
Post a Comment