Pages

Sunday, November 22, 2020

Spaces

What a time to forget all my sensibilities
Let the heart speak it's mind
Let it get the best of me
Even with the coldest shoulder I'll find a way to keep you warm
Find a bottom of a bottle while holding my tongue
But just for peace of mind
Love me even if it is to fill the spaces
Love me, even if I know it's just to feel alive for awhile then you're gone
Just to fill the spaces in his arms

- Spaces, Martti Franca  


It's been a while since the last time I wrote about these things. There's one thing I have realized today. Handa na akong sumulat ulit patungkol sa ganitong mga bagay. Handa na akong magpadala sa mga emosyong matagal-tagal ko na rin pinagbawalan na patuluyin sa isip ko. Handa na ako magmahal ulit. I don't know why, that even if I am still shattered in pieces because of my past and I am still struggling in my present, Hindi ko magawang pigilan yung sarili kong magmahal. I feel like I always have this so much love inside me that I always want to share to someone. 

I have a lot of space - a space for someone who wanted to treat me as his home. Handa na akong magpatuloy. Lagi't palagi. Corny pero totoo talaga siguro, love will indeed make you feel alive. Kahit malabo kung ano mang estado nating dalawa, pipiliin ko ang magmahal. Pipiliin kong mahalin ka. Alak at sigarilyo marahil ang turing ko sa ganoong uri ng relasyon. Malabo. Hindi sigurado. Baka mapasama. Panandalian lang. Pero napapaisip ako kung bakit sa pelikula, maging sa mga kanta, laging may halong romantisismo ang pag-inom ng alak at paghithit ng sigarilyo? May kagandahan sa mga bisyong ito. Ewan ko. Baka sumisimbolo lang talaga ang mga ito sa mga emosyong bumubuo sa atin o di kaya'y emosyon na hindi natin maipaliwanag gamit ang mga salita. Pwede rin namang mga salita na hindi natin maamin. Kaya naman alak at sigarilyo nalang ang nagiging takbuhan. 

Baka ganoon din tayong dalawa. May dahilan ka kung bakit hindi ka pa handa o ayaw mo pa. May dahilan kung bakit hindi mo pinipiling sumugal at manatili ka nalang sa lugar kung saan walang sisihan pagdating sa dulo. Marahil dinidikta ito ng iyong nakaraan o di kaya'y kasalukuyan. Ganoon din naman ako. May dahilan kung bakit gusto kong sumugal, kung bakit gusto kong ibuhos ang lahat kahit na hindi pa malalim kung ano mang nagdurugtong sa ating dalawa, kung bakit gusto kong magmahal nang buo kahit walang kasiguraduhan na maibabalik. At higit sa lahat, pinipii ko pa rin ang magmahal kahit na alam kong naiiba ako sa lahat. Naiiba ako dahil may mga pagkakataong mawawala ako sa sarili ko at kapag dumating ang mga araw na iyon, alam kong mapapaisip ka kung bibitaw ka na, magpapahinga ka o mananatili ka pa. 

Kaya ito tayo, nasa gitna nagtagpo, sa lugar kung saan malaya tayong nagmamahal. Hindi alam kung saan tayo nagsimula at kung saan tayo magtatapos. Basta kapag may tumigil sa ating dalawa na kumausap isnag araw, doon na magtatapos ang lahat. 

No comments:

Post a Comment

Before Finals

Hi! I know, it's been a really long timeeeee since I have posted on this blog. Why do I always have the same intro though?  Anyway, I ju...