Time check: 1:35 AM
I guess there is always something about 1:35 AM. When it hit the clock, I always find myself writing about you. I clearly remember that night - the first time I wrote about you. Nagbago man ang mga pwesto ng appliances sa loob ng kwarto at nagbago man ang hitsura ng kwarto ko mismo, tandang tanda ko pa rin kung paano ako niyakap ng dilim ng gabi at malakas na buhos ng ulan. Hinanap ko ang mga piling salita para lang maipaliwanag ko ang nararamdaman ko.
At heto nanaman ako, nagsusulat, nag-iisip ng mga salitang sasakto sa nararamdaman ko. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagsulat dito., maging patungkol sa'yo.
"Happy Birthday."
Iyan lang ang sinabi ko sa'yo kanina. May 21. Birthday mo nga pala. Halos nakalimutan ko na rin dahil masyado akong busy mag-aral. Pati na rin marahil, dahil sa katotohanang matagal na tayong naghiwalay ng landas. Ikaw, patungo sa kanya at ako, papunta na rin sa iba.
Nasa iisang university lang tayo pero bibihira nalang kita makita. Madalas man akong nasa school dahil sa schedule ko na hanggang hapon at sa mga activities ng council ng college natin pero bibihira kitang makita. Makikita lang kita kung pinag-usapan nating magkita tayo dahil magpapatulong ka sa lesson na hindi mo maintindihan kahit senior kita, hihiram ka ng lab gown ko, uutang ka or uutang ako at isang beses ay maaga kang lumuwas mula Laguna at naghahanap ka ng kasabay mag-almusal. Madalas ay magpapalibre ka.
Pati na rin pala kapag sasamahan mo ako sa SM Manila sa tuwing may bibilhin ako pagkatapos ng klase. Kapag masyado ng gabi at tatawagan ako ni Mama, kung ikaw ang kasama ko ay kampante sina Mama. Nung minsang inatake ako ng anxiety at depression ko, sinamahan mo ko. Ikaw din yung kasama ko noong unang pagbili ko ng antidepressants ko.
Noong gabing kinulong ko sarili ko sa cubicle at pagbaba ko ikaw yung nandoon sa corridor. Nakasuot ka ng jacket ng College of Law at tinanong mo ako kung anong nangyari. Umiyak ako sa tabi mo. Nakinig ka lang at konting tapik sa balikat at udyok na tumahan ako. Sobrang dalang na magkita tayo pero lahat ng 'yon tumatak sa puso't isip ko.
Malapit na ako maniwala sa sinasabi ng nanay ng bestfriend ko - na baka kahit sino pa man ang makatuluyan natin, mayroon at mayroon tayong taong pinahahalagahan natin nang sobra at hinding-hindi natin makakalimutan at sa bokabularyo niya ay greatest love.
Sa totoo lang, halo-halo na ang nararamdaman ko. Meron na akong siya at meron ka na ring sa'yo. In fact, masayang-masaya ako para sa inyo. At peace na rin ako dahil merong siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon - there's a lump forming in my throat and my eyes hurt so bad.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko alam.
Hindi.
Friday, May 22, 2020
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Before Finals
Hi! I know, it's been a really long timeeeee since I have posted on this blog. Why do I always have the same intro though? Anyway, I ju...
-
Time check: 1:30 AM It's been a long day for me in school. After class, I immediately went home, ate and read Jennifer Smith's ...
-
Time check: 9:33 PM I was supposed to review for College Entrance Examination but here I am, after a four month-long of not writin...
-
Weightlifting Fairy Kim Bok Joo is my most favorite Kdrama of all time and no, this isn't an episode preview of Episode 11 of the said d...
No comments:
Post a Comment