Napagod na marahil ang mga salitang hiram para ipaliwanag ang tunay kong nararamdaman. Wala na akong maisip na mga salitang Ingles na siyang tutugma sa ating dalawa kaya't hayaan mo akong magsalaysay sa wikang kinamulatan nating dalawa.
Una sa lahat, Maligayang Kaarawan! Wala akong ideya kung paano mo pinalilipas ang araw mo ngayon pero isa lang ang sigurado ako, ikaw pa rin ang nais na uwian ng puso kong palaging napag-iiwanan. Kahit ano pang pilit kong pambabblock sa iyo sa Twitter, Facebook at maging sa mismong mobile phone, pilit pa rin akong gumagawa ng paraan para makibalita kung kumusta ka na o ano ng balita sa iyo.
Paulit-ulit kong pinanunuod ang trailer ng pelikulang "Finding You" na nilapatan pa ng musika mula sa Munimuni na may pamagat na Sa Hindi Pag-alala. Hindi ko alam pero marahil ay nakikita ko ang sarili ko bilang bida sa naturang pelikula.

"All his life, he's been searching for his the one and I was there, all throughout his search.... He remembers all the things that took place in his life. Except for one thing, I was always here by his side."
Gusto kong sumulat ng patungkol sa ating dalawa pero bumabalik lang ako dito, sa panonood ng trailer na to'. Hanggang dito nalang muna siguro, hanggang dito nalang.
No comments:
Post a Comment