Paano Kung?
Minsan ay may nakita akong paskil sa Facebook Account ng isa sa mga kaibigan ko sa nasabing social media site. Ang paskil niya'y ganito: "Bakit hindi mo subukang maging tamang tao para sa iba?"
Napaisip ako bigla at patuloy na binabagabag ng mga katagang ito.
Paano kung habang sinusubukan mong maging tamang tao para sa iba ay may taong sinusubukan ding maging tamang tao para sa iyo?
Paano kung habang sinusubukan mong maging tamang tao para sa iba ay sinusubukan ding maging tamang tao para sa iba ng taong pinag-aalayan mo nito?
Paano kung sinusubukan mo ngang maging tamang tao pero hindi pala kayo itinadhana kundi pinagtagpo lamang?
Minsan hindi masayang sumugal
Minsan hindi masayang lumaban
Hindi lahat ng labanan ay kailangan mong suungin
Minsan ay kailangan mong lisanin
Minsan ay kailangan mong takasan
Dahil sa huli lahat ay walang kasiguraduhan
Dahil sa huli, hindi lahat ng sumugal at lumaban,
Tama ang ipinaglaban.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Before Finals
Hi! I know, it's been a really long timeeeee since I have posted on this blog. Why do I always have the same intro though? Anyway, I ju...
-
Time check: 1:30 AM It's been a long day for me in school. After class, I immediately went home, ate and read Jennifer Smith's ...
-
Time check: 9:33 PM I was supposed to review for College Entrance Examination but here I am, after a four month-long of not writin...
-
Weightlifting Fairy Kim Bok Joo is my most favorite Kdrama of all time and no, this isn't an episode preview of Episode 11 of the said d...
No comments:
Post a Comment