Pages

Wednesday, July 27, 2016

Random Thoughts Entry 003



MAGLALAYAG AKO 


Maglalayag ako 
At patuloy na maglalayag

Maglalayag ako hanggang sa matagpuan ko

Maglalayag ako hanggang sa masumpungan ko
Maglalayag ako hanggang sa mapagtanto ko
Maglalayag ako at hahanapin ang katotohanan
Sa likod ng kalungkutang matagal ng nagkukubli 


Maglalayag ako hanggang sa malaman ko ang kasagutan 
Maglalayag ako hanggang sa maunawaan ko
Maglalayag ako hanggang tanggapin ng isip ko 
Maglalayag ako nang matanggap ng puso ko
Na hindi ako kundi siya

At maglalayag uli ko
At patuloy na maglalayag

At sa ikalawang paglalayag ko'y pakatandaan mo;
Hindi ako isang pirata na ang ang pakay ang ginto
Hindi rin ako isang turista na ang pakay ay ang pagpasyal
Hindi ako bakasyunista na ang pakay ay pahinga
Ang pakay ko'y hanapin ang sarili

At maglalayag uli ko
At patuloy na maglalayag

Hanggang sa malaman ko kung ano ba talaga ang halaga
Hanggang sa maunawaan ko ang bawat mga salita
Na namumutawi sa bibig ng iba sa tuwing sinasabi kong gusto kita 

At sa huli'y maglalayag pa din ako
Maglalayag ako hangga't maunawaan ko na ito'y para sa akin at hindi para sa iyo. 














No comments:

Post a Comment

Before Finals

Hi! I know, it's been a really long timeeeee since I have posted on this blog. Why do I always have the same intro though?  Anyway, I ju...